202 December Kills

Driven by the sorrow when the person closest to my heart left. I hope she will not get mad at me when she sees this.

01 December Kills

I wrote this tagalog poem in 2011 using a different blog account which I created just for her.

 

Ito ang ikatlong araw mula nang ika’y umalis
Taglay mong kalayaan kinuhang kaybilis
Hatid sa iyo’y kapanabikan sa mundong di pa nasilayan
Hatid sa ami’y kalungkutan nitong iyong paglisan.

 

Bakit tila bigla kang nagbago?
Bakit ang lahat ay pinagpalit mo?
Bakit yaring panandaliang kaligayahan
Ang pinili kaysa iyong kinabukasan?

 

Ngayong darating na kapaskuhan
Ang aming prinsesa, o nasaan?
Puso namin anong kay panglaw
Kaysakit tanggapin, sa kaligayahan ay uhaw.

 

Sa iyong pag-alis, mundo’y tumigil sa pag-ikot
Pait ng luha, dulot sa ami’y matinding takot
Tanging hiling, ika’y Kanyang gabayan
Tanging hiling, iyong kaligtasan.

 

Wala nang papalit sa sayang dulot ng iyong ngiti
Kahit anong regalo wala ni isang makahihigit
Makita kang maligaya, o anong tuwa!
Ngunit pumanaw ang Pasko ngayong ika’y wala.

 

Aking inakala, Pasko’y nagbibigay saya
Subalit ako pala’y nagkamali, ngayon alam ko na
Isang matalim na sandata, itinarak sa aming puso
Pinatay mo, o Pasko! Buhay nami’y tuluyan nang huminto.

 

First published on December 11, 2011 3:00pm at evilsister’s blog.