Pait ng Puso

Minamasdan ang himbing ng pagtulog

Naririnig yaring pusong tumitibok

Tahimik na paghinga ang siyang nadarama

Sa lalim ng gabing kasing payapa

Nguni’t bakit tila hindi mga mata

Kundi iyong puso ang nakasara

Yaring kalungkutan, ‘di makita

Kayhirap iparating, ‘di maipaunawa

Pangako noon aking inaasam-asam

Init ng yakap at pagmamahal

Sa paglipas ng panahon, taong nagdaan

Ang tamis ng pag-ibig, ngayo’y tumabang

Tahimik na pagluha ang tanging nagagawa

Lungkot sa dibdib, pinapawi nang mag-isa

Maaari pa bang muling magsimula?

Paano ba’ng lungkot mapalitan ng ligaya?

Sa iyong paggising, walang bakas ng pagluha

Lamlam ng mga mata, maglalahong parang bula

Pagsapit ng gabi muling madarama

Pait nitong puso kailan ba mawawala?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s